Common Crypto mistakes and how to avoid them

Earn and Use Bitcoin
3 min readApr 26, 2022

--

Oo, alam na natin na nagkamali ka at ibinigay mo ang lahat lahat sa kanya at kinulang parin. Pero, hindi ‘yan ang topic natin ngayon kundi ang ibat-ibang pagkakamali sa mundo ng paggamit ng cryptocurrencies. Dahil sobrang daling gamitin ng crypto, marami paring nagkakamali at nalulugi dito. Here are some of those mistakes that you should avoid when trading and using crypto currencies.

1. Going all-in

Parang sa pag-ibig na binigay mo na ang lahat pero kulang, may kulang natatakot na malaman, natatakot na inyong husgahan, na hindi na nga hindi na nga (Hindi Na Nga, This Band).

Hindi porke’t malaki ang balik ay ibibigay mo na ang lahat. Dapat, you only use the amount that you are ready to lose. Dapat, natututo ka na sa mga hapdi at sakit nang pagkalugi sa crypto! At higit sa lahat, dapat ay may pang emergency funds ka parin kung sakaling bumaliktad ang lahat at ipagpalit kana niya. Chos! Kapag biglang may importante lang na kailangang gastusan sa buhay.

2. Buying when the price gets too low

Hindi dahil mura ang isang crypto ay magandang chance na para bilhin ito. I-check ang ratings nila. Malamang ay may dahilan lahat nang yan. Pwedeng iniwan na sila nang mga developers at hindi na binalikan kaya hindi na nila nakukuha ang pagmamahal ,este ang mga updates na kailangan at hindi na sila secure gamitin.

3. Forgetting your crypto keyphrase

Ang pagkalimot ay sign of aging, mga tita-tito! Pero huwag naman kalimutan ang isa sa pinakaimportanteng bagay — ang iyong “keyphrase”. Kapag wala yan ay hindi mo na magagamit at mababawi ang mga pinag-ipunan mo.

Kung ang mga sakit na pinagdaanan mo sa kanya eh hindi mo malimutan, baka naman pwede kang gumawa nang way para maitago ng secure ang iyong keyphrase o kaya maibigay ito sa piangkakatiwalaan mong mga tao. Puwede mo din isulat sa papel at itago kasama ng alahas mo. Ikaw na dumiskarte diyan, tumatanda ka na!

4. Thinking crypto is ‘easy money’

Syempre, wala nang madali ngayon. Lahat pinaghihirapan! Kung gustong tumagal ang samahan este ang crypto funds pala, ay dapat matiyaga ka. Tulad ng pag-papalago ng ibang stocks, shares, at commodities, ang crypto ay parehas lang nila. Malamang eh scam na kapag may nagsabing madalian lang kumita sa crypto nila.

5. Falling for scams

Yung sa dinami-dami ba naman nang pwede kang ma-fall, ay sa scam pa! Hahay buhay. Mag-ingat sa ilang scam na kumakalat ngayon. Mag-ingat sa pagpindot ng mga link na pumapasok sa email at social media kung saan eh kikita ka daw ng ganito ganyan.

I-check maigi ang mga social media account at madalas ay mga copy lamang sila para makapag-kalat ng phishing links. Huwag din papadala sa mga pump and dump na pakulo ng mga criminal groups. Akala mo naka-jackpot ka na, ayon pala ay pakulo lamang nila lahat ng pagtaas at baba ng presyo ng cryptocurrency na yun. Kahit anong libre at madali ay magduda ka lagi. Huwag din ipapamigay ang iyong details at keys kapalit ng kahit ano, dahil paniguradong scam lang yan.

Mag-ingat lamang tayo lagi sa pag-pasok sa kahit anong relasyoo… cryptocurrency. Kailangang maging wais sa kahit anong pagkakataon at laging mag-duda sa mga bagay-bagay na madaling makuha (huwag ka kasing ma-fall agad!). Sana ay may natutunan na naman kayo sa ating munting list. As always, Earn and Use Bitcoin wisely and safely.

--

--

Earn and Use Bitcoin
Earn and Use Bitcoin

Written by Earn and Use Bitcoin

New to the field of cryptocurrency earning and trading, we want to document our learnings by curating helpful content for Bitcoin beginners. TW: @earnanduse

No responses yet