How to Create a Bittrex Account

Earn and Use Bitcoin
4 min readMay 3, 2022

Kung gusto mong subukan ang cryptocurrency trading, you can start with opening a crypto exchange account. Itong mga platforms na ito will provide all the tools you need sa pagbili ng tokens or crypto like Bitcoin, Ethereum at iba pa.

Of course, when choosing crypto exchanges, mahalaga na i-consider ang mga factors like fees, security, and many more. Isa sa mga napili ng Earn and Use team na crypto exchange na pasok sa mga dapat hanapin ng mga nagsisimula sa crypto trading ay ang Bittrex.

In this blog, papakita namin ang step-by-step instructions sa pagawa ng Bittrex account gamit ang kanilang app.

Step 1:

I-download ang Bittrex sa AppStore o Playstore.

Step 2:

I-click ang “More” sa ibaba at piliin and “Create an Account”.

Step 3:

I-type ang email address at password na iyong gagamitin sa account.

Note: Ang iyong password ay dapat mayroong 12 characters, at least 1 lower case letter [a-z], at least 1 upper case letter [A-Z], at least 1 number [0–9] and at least 1 symbol [!@#&*()].

Step 4:

I-type ang iyong Nationality at complete address. Make sure na tama ang address and zip code mo. Kung hindi ka sure kung ano ang iyong zip code, puwede mong hanapin ang tamang zip code mo dito.

Step 5:

I-click ang START ID VERIFICATION. Make sure na handa ang iyong government-issued ID dahil kukuhanan mo ng picture ang harap at likod na part nito. Kailangan ding mag-upload ng selfie photo para sa kanilang verification process.

Step 6:

Habang vine-verify ang iyong ID, i-enable mo muna ang 2FA by clicking the Enable Two-Factor Authentication. Sa susunod na page, i-click and Enable 2FA.

Note: Siguraduhin na mag-download ng Authenticator App tulad ng Microsoft Authenticator or Google Authenticator. Sa app na ito lalabas ang numeric code para sa 2FA ng iyong account.

Step 7:

Siguraduhin na naka-install na ang iyong Authenticator App para sa step na ito. I-click ang Start Automatic Process at sundin ang next step. Ilagay ang numeric code mula sa Authenticator App.

Step 8:

Ilagay ang numeric code mula sa Authenticator App. After nito, i-click ang Enable Two-Factor Authentication. Pagkatapos nito ay i-click ang Return to Bittrex Home.

Step 9:

Kapag enabled na ang iyong 2FA, sunod naman ay ang pag fill-out ng additional information. I-click ang box nito.

Step 10:

Fill-out the additional information na kinakailangan, tulad ng Source of Funds at Employment details.

Step 11:

Matapos mong mag fill-out ng information, babalik ka sa naunang page. I-click ang continue.

Step 12:

Matapos ma-verify ang iyong account, pwede mo na itong gamitin.

Ngayon na ready na ang iyong account, pwede ka na mag-transact sa Bittrex!

Mag-subscribe sa aming blog for more news and updates na makakatulong sa iyong Bitcoin journey.

Author: Albert Sario

--

--

Earn and Use Bitcoin
Earn and Use Bitcoin

Written by Earn and Use Bitcoin

New to the field of cryptocurrency earning and trading, we want to document our learnings by curating helpful content for Bitcoin beginners. TW: @earnanduse

No responses yet