How to Create an Abra account
Ikaw ba ay bago lang sa crypto trading? O ikaw ba ay naghahanap ng isang crypto wallet? Baka itong Abra wallet ang iyong hinahanap.
Abra Wallet
Ang Abra ay isang crypto wallet where you can buy, sell and even trade cryptocurrency tulad ng BTC, ETH, etc. Sa wallet na ito ikaw ay pwede ding magborrow ng pera gamit ang iyong crypto bilang collateral. Ikaw din ay puwedeng mag-earn ng interest sa iyong crypto.
In this blog, papakita namin ang step-by-step sa pagawa ng Abra account gamit ang kanilang app.
Step 1:
I-download ang Abra AppStore or Playstore.
Step 2:
I-type and iyong first and last name.
Step 3:
I-set ang iyong 4-digit pin.
Step 4:
I-confirm ang iyong 4-digit pin.
Step 5:
To keep your account safe, ang Abra ay magbibigay ng phrase na iyong gagamitin sa instance na ang iyong account ay ma-compromise. Siguraduhing isulat ang phrase na ito at huwag i-screenshot or i-save sa iyong computer para hindi rin magamit kung sakaling ma-hack ang itong computer. I-click ang “Show my phrase now”.
Step 6:
Ibibigay ng Abra ang unique phrase sa part na ito. Again, make sure na isulat ang phrase para ma-recover ang iyong account if ito ay ma-compromise. I-click ang “Yes, I wrote it down”.
Step 7:
I-type ang phrase na ibinigay sa grey na box para ito ay ma-confirm. I-click ang “Confirm phrase” after.
Step 8:
Ang iyong account ay secured na. I-click ang “Ok”.
Step 9:
Maglalabas ng survey form sa sunod na step. Piliin ang option kung saan mo unang narinig ang Abra. I-click ang “Submit”.
Step 10:
Sa step na ito, lalabas ang information kung saan ang mga users ay puwedeng sumali sa rewards program ng Abra. Kung ikaw gustong sumali, i-click ang “Take me to Abra Perx”. Kung hinde, i-click ang “Skip”.
Step 11:
Your Abra account is now created! Maari ka nang magsimula bumili, magbenta or magtrade ng cryptocurrency.
Mag-subscribe sa aming blog for more news and updates na makakatulong sa iyong Bitcoin journey. Happy trading, mga ka-Crypto!
Author: Albert Sario