PayMaya or Maya now offers cryptocurrency on their app

Earn and Use Bitcoin
4 min readJul 5, 2022

--

Wala ka bang tiwala sa ibang mga crypto exchanges at hindi ka makahanap kung saang wallet mag-iinvest ng crypto? Look no further dahil sa Maya (formerly called Paymaya) ay pwedeng pwede ka nang mag invest sa crypto gamit lamang ang kanilang app. Kahit nakahiga ka, naliligo, o kung kaya mo ng tulog ay pwedeng pwede. Ang kinaganda pa nito ay pwede kang mag-buy and sell at direktang papasok sa Maya account mo ang pera. At dahil available na ang Maya sa halos lahat ng platform at bangko, napaka dali nang magpaikot ng pera, o hindi kaya ay mag pa-budol sa Shopee at Lazada. Kung interesado ka na, narito ang ilang steps kung paano bumili and magbenta ng crypto gamit si Maya.

1. Open your Maya app and click the “Crypto” icon

2. You will be redirected to the list of available cryptocurrencies in the Maya app. Select your preferred crypto based on your fund risk rating and the status of the coin in the market. Currently, Maya is offering the following cryptocurrencies to the public: LINK (Chainlink), ADA (Cardano), MATIC (Polygon), BTC (Bitcoin), ETH (Ethereum), QNT (Quant), UNI (Uniswap), DOT (Polkadot), SOL (Solana), APE (ApeCoin), AVAX (Avalanche), ALGO (Algorand), DOGE (Dogecoin), XLM (Stellar) and USDT( Tether). Tap your chosen crypto or the “Buy” button.

3. After that, you can now set a budget for your preferred crypto. As of now, Maya offers zero cash-in and out. You can invest for as low as 1 Peso. According to Maya, it developed the feature under its Invest platform in connection with Coinbase Institutional — the largest publicly traded crypto company in the world.

4. After you set your budget tap the “Next” button on the upper right corner of your screen.

5. A pop-up will appear at the bottom of your screen and it will ask you to “Slide to Buy.” Do so and move onto the next step.

6. A confirmation message will appear on your screen. Mag-te-text si Maya sayo para ipaalam na naging successful ang pag-acquire mo ng yaman este ng crypto currency. Pwede ka nang matulog at pa-gising mo ay milyonaryo ka na. Joke lang! Hindi naman ganoon ang totoong nangyayari sa crypto currency trading.

7. Ngayon kapag bumalik ka na sa crypto feature ng Maya ay makikita mo na ang iyong crypto portfolio. Pwede ka nang magsisi at umiyak kapag namula ang mga prices at bumagsak si crypto at pwede ka naman din bumili nang makakain kapag tumubo.

8. Kung sa tingin mo naman ay gusto mo nang ibenta at bumili ng ibang crypto, o hindi naman kaya ay gamitin ang per ana i-ninvest mo ay madali lang din gawin. Iclick lamang ang Sell button sa ilalim ng screen.

9. Maidederekta ka ulit sa isang page kung saan pwede mong ilagay ang eksatong halaga ng gusto mong i-cash out. Pwede ring mamili sa ilalim ng mga percentage.

10. Pindutin ang next button.

11. Tapos nito ay lalabas ulit ang slide button gaya noong bumili ka. I-slide lamang ito at direkta nang papasok ang pera sa iyong Maya account kung saan pwede mo na itong ipasok sa ibang crypto o hindi naman kaya magamit na sa pang araw-araw na gastusin.

Pagdating sa technology at innovation, hindi talaga papadaig ang mga Pinoy. Patuloy tayong sumasabay sa daloy ng progresibong mundo. Nakaka-excite kung ano pa ang pwedeng mga innovation pagdating ng panahon. Mula sa social media hanggang sa cryptocurrency ay kayang kaya natin idominate ang lahat ng larangan na mapipili natin. Sana lang ay huwag magamit ang mga bagong technology na ito sa masama at sana din ay gamitin natin ito para mapagaan at mapabilis ang buhay ng mga Pilipino.

Kayo? Anong crypto na ang napili nyo? Pag-usapan natin kung alin ang mainam na paglagyan ng pera sa susunod nating article dito sa Earn and Use Bitcoin.

--

--

Earn and Use Bitcoin
Earn and Use Bitcoin

Written by Earn and Use Bitcoin

New to the field of cryptocurrency earning and trading, we want to document our learnings by curating helpful content for Bitcoin beginners. TW: @earnanduse

No responses yet