Top ETH dApps You Need to Use

Earn and Use Bitcoin
4 min readJun 8, 2022

--

The objective of Ethereum as indicated in the whitepaper is to be the next-generation smart contract and decentralized application platform. With the proliferation of decentralized applications — also known as dApps — like walletsty66y social media platforms and cloud storage using the Ethereum blockchain, we’re starting to see this objective come to fruition.

However, the growing users of Ethereum dApps have brought issues such as high gas fees and scalability concerns in the network. To mitigate these problems, a proposed upgrade called Eth2 was initiated.

Anu-ano ang naitutulong ng dApps?

Kung maala-ala, na-discuss na ang kahulugan ng Decentralized Application o dApp. Sa unang tingin, ang dApp ay halos kahalintulad ng tradisyunal na web or mobile app, ang kaibahan lamang ay gawa ito sa blockchain technology. Bukod sa ito ay desentralisado, mataas rin ang seguridad, sa dahilan walang isang organisasyon o server na pede iattack ang mga kawatan.

Maari ring gamitin ang dApp sa iba’t-ibang industriya katulad ng gaming, medikal, shipping, file storage atbp. Marami na ring application na gawa sa Ethereum blockchain na hanggang ngayon ay ginagamit at pinakikinabangan ng marami.

Mga nangungunang wallet sa Ethereum network

Hindi magagamit ang iyong Ethereum coin kung wala kang wallet na paglalalagyan nito. Kaya naman nag-lista kami ng ilan sa mga sikat na wallet sa Ethereum blockchain.

Wallet

  • Trezor One — ang masasabing mahusay na Ethereum wallet dahil sa security features nito na PIN system.
  • MetaMask — ito naman ay software na dinadagdag bilang extension sa Chrome browser. Naka-konek sa browser ang iyong wallet para madali ang pag-transaksyon katulad ng payment online.
  • Ledger Nano S — ay hardware wallet na may tampok na pribadong keys na hangad ay seguridad para sa iyong cryptocurrencies. Napapabilang ang hardware wallet sa pinaka ginagamit na wallet sa ngayon.
  • Exodus — kung bago ka pa lang gagamit ng Ethereum wallet, ito ang tugmang wallet para sa iyo. Sa wallet na ito, maari kang makapag-trade sa iba pang cryptocurrency dahil may kasama na itong software exchange. May desktop at hardware wallet version rin ito para pede magamit sa ano mang kalagayan.
  • Mist — ang mismong lumikha ng wallet ay galing sa Ethereum community. Dapat maalam ka sa pag-programa ng blockchain dahil komplikado ang paggamit nito. Ito ay open-source at libre ang pag-manipula. Sa wallet na ito, maari kang makapag-trade ng perang papel o BTC sa Ethereum.

Ang importanteng ikonsidera sa pagpili ng wallet ay sa anong layunin mo ito gagamitin. Kung para lamang sa pagbabayad ng bills, mainam na gamitin ang may software version para sa mabilisang paraan ng pagbabayad. At kung ikaw naman ay balak lamang itabi sa mahabang panahon ang cryptocurrency, ang hardware wallet ay tumpak para sa iyo.

Mga Nangungunang dApps sa Ethereum?

Maraming pinaggagamitan ang dApps di lamang para sa crypto exchange, ang iba pa ay katulad ng Non-Fungible Tokens (NFTs) art marketplace, Decentralized Finance (DeFi), Music tipping service, Ethereum games, at iba pa.

Naglista kami ng ilang pamilyar na dApps batay sa kategorya. Karamihan dito ay open-source na mainam maging simulain ng paglago nito.

Browser

  • Brave — ito ay web browser na libre idownload at may katangiang harangan ang online ads.

Storage

  • 3Box — may kakayahang makakubli ng data ng pampubliko at pribadong impormasyon sa Web3. Ang impormasyon ay magagamit sa ano mang kapamaraan gamit ang dApps.

Art Marketplace

  • OpenSea — pinaka-popular na online kalakalan ng digital art o Non-Fungible Tokens (NFTs) items.
  • Rarible — pinaka-unang dApps para sa kalakalan ng Non-Fungible Tokens art mula sa komunidad ng Ethereum.
  • SuperRare — katulad ng iba pa na nasa listahan na pang kalakalan ng NFT arts. Ito ay platform para sa pambihirang klase na art na mataas ang kalidad.

Token Echanges/DeFi

  • Uniswap — para sa kalakaran ng pag-trade ng Ethereum tokens.
  • SushiSwap — pinapatakbo ng komunidad ng Ethereum, para sa kalakalan ng tokens mula sa pag-swap, pag-utang, pag-dagdag at pag-kita na tinatawag na Decentralized Finance (DeFi).
  • IDEX — isang decentralized exchange na real-time ang kalakaran. Laging ayon ang kalakaran dahil tiyak ang matagumpay na kalakalan ng cryptocurrency.

Games

  • Axie Infinity — kumita ng Small Love Potion (SLP) sa pamamagitan ng pag-iipon, pag-papalaki at pakikipag-laban ng fantasy creatures called Axie. Ang mga SLP ay pwedeng ipalit sa totoong pera o cryptocurrency.
  • Decentraland — ay isang browser-based platform. Gumawa ng karakter sa isang virtual reality world na pwedeng kumita sa pamamagitan ng pagbenta ng virtual items, applications, at lands.
  • Ethermon — ang unang Ethereum-based blockchain games na pwedeng kumita sa pagbenta ang virtual assets gamit ang interactive Non-Fungible Tokens (NFTs).
  • Cryptokitties — ito’y mula sa sikat na jpeg image na naging laro na sa Ethereum blockchain. Magparami ng digital cats para mapag-pa-anak ng “progeny” na siyang pedeng ibenta bilang collectibles.

Social Networks

  • Refereum — ito ay para sa mga online manlalaro at game streamers na mahilig mag-share ng tips at tricks sa kanilang nilalarong games.
  • Minds — kahalintulad sa Twitter pero ito ay open-source at gawa sa Ethereum blockchain. Gumawa ng sikat na content at mag-refer ng mga kaibigan para kumita dito.

Itong mga Ethereum-based application ay naging isang mabisang platform para lalong mapalaganap ang blockchain sa pangkalahatan. Unti-unti nang napapakinabangan ang mga ito para na rin kumita at mainam na alternatibo sa kasalukuyang centralized applications o web apps.

Sa darating pang mga panahon mas lalong mapapabuti ang likha na mga dApps na magiging malaking hamon para sa centralized apps o web apps. Ganun pa man, ito ay malaking tulong para mas mapabuti ang serbisyo ng mobile o web apps.

Author: Gabriel Silang

--

--

Earn and Use Bitcoin
Earn and Use Bitcoin

Written by Earn and Use Bitcoin

New to the field of cryptocurrency earning and trading, we want to document our learnings by curating helpful content for Bitcoin beginners. TW: @earnanduse

No responses yet