What is Ronin Wallet?

Earn and Use Bitcoin
4 min readMay 17, 2022

--

Kung nakalaro ka na ng Axie Infinity marahil eh pamilyar ka na dito sa Ronin Wallet. Sa mga hindi pa nakakagamit nito, ang Ronin ay isang Crypto Wallet na tumatakbo sa Ronin Network. Sidechain ito ng sikat na cryptocurrency na Ethereum. Kailangan ito kung ikaw ay isang adik, este batikang manlalaro ng Axie dahil kailangan mo ito para maka-login at interact sa larong ito.

Available ang Ronin Wallet sa iyong browser extensions o hindi naman kaya ay sa mga mobile app (Android & iOS).

Pwede ding gamitin ang Ronin para magpasa at makatangap ng mga cryptocurrencies at NFTs na wala gaanong binabayarang matataas na gas fees. Currently, Wrapped Ether (WETH), Axie Infinity Shard (AXS), USDC, and Smooth Love Potion (SLP) ang available. Lahat ‘to eh swak at matatangap sa iyong Ronin Wallet.

How to create a Ronin Wallet?

Available ang Ronin Wallet via Mobile app o hindi naman kaya sa Web browser mo bilang extension. Narito ang steps para i-install at magamit si Ronin.

1. Buksan ang Ronin Wallet download link.

2. Open the extension and click [Get Started]. Ikaw ay mare-redirect sa Ronin Wallet setup page. Pindutin naman sunod ang [I’m new. Let’s get set up!].

Welcome page for Ronin wallet

3. Mag-setup ng pinakamalupit mong password yung hindi password123, ha. Tapos, i-click mo ang [Create Wallet]

Page for creating a Ronin Wallet account

4. After niyan, makikita mo ang seed phrase mo na naka-mask or nakatakip. Pindutin mo ang [Reveal Seed Phrase] tapos isulat mo ito. Huwag sa tissue at huwag din sa palad mo ha. Kailangan mai-secure mong maige ito para marecover mo ang wallet mo kung sakaling mawala ang iyong phone at iba pang hindi inaasahan na dahilan, gaya ng pagiging ulyanin mo. Biro lang! Laging tandaan na huwag mong ipapakita at ipapamigay ang seed phrase mo kahit napakatindi pa ng offer nila.

Security features of the Ronin Wallet

5. Kakailanganin mo ulit ang seed phrase mo sa step na ito. Ang sunod, ay pindutin ang [Continue] at pupuwede ka nang mag-adik sa Axie at kalimutan ang mga module at trabaho mo.

Confirmation for Ronin Wallet creation

Laging tandaan na ang Ronin Wallet ay isang non-custodial service, ibig sabihin, walang makagagalaw sa naipon mong kakarampot kahit pa ang mga Ronin developers. Hindi ba, secure na secure?! Kaso kapag naiwala mo ang seed phrase mo, walang santong makakatulong sa iyong maibalik ang funds mo. Kaya make sure na ingatan mong maigi ito. Laging mag-backup ng iba pang kopya kahit tatlo, at itago sa mga secure na lalagyan o drawer kung sakaling may hindi inaasahang mangyari sa iyong account.

6. I-click ang browser extension para maaccess na ang iyong Ronin Wallet interface.

Ronin Wallet interface

Sa itaas, makikita mo ang iyong wallet name [Account#], and then ang iyong Ronin Wallet Address. Kailangan mo ang address na yan tuwing mag-dedeposit o makakatangap ng kahit anong assets. Nasa [Assets] section naman ang laman ng iyong Ronin Wallet na ERC-20 tokens at ERC-721 NFT tokens. Para malaman ang mga nagamit mo at iba pang transactions, i-click naman ang [Activities].

Kung ikaw naman ay interesado sa paggawa at paglalaro ng Axie Infinity, narito ang link sa isa pa naming article kung saan mo pwedeng pag-aralan kung paano gamitin ang Ronin Wallet at ikonekta ito sa iyong Axie Infinity. Kung may nais pa kayong matutunan at intindihin sa mundo ng blockchain, i-message lamang kami dito sa Medium o hindi naman ay sa aming <social media account>. As always, let’s Earn and Use crypto safely and efficiently.

Article by CryptongPagong

--

--

Earn and Use Bitcoin

New to the field of cryptocurrency earning and trading, we want to document our learnings by curating helpful content for Bitcoin beginners. TW: @earnanduse